Friday, February 3, 2012

The Real Me


This year puros problema yung kinakaharap ko. Alam ko tests lang ang lahat ng mga ito, challenge sakin para mas maging mabuting tao. Pero honestly, hindi ko na alam kung paano ko ito haharapin ng buong tapang…hindi ko na alam kung dapat ko pa bang ipaglaban yung prinsipyo ko sa buhay…hindi ko na alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy yung mga bagay na nasimulan ko na…hindi ko na alam kung tatanggapin ko na lang na isuka ako ng mga taong di nakakaintindi kung sino ako.
                Hindi ko sila masisisi kung bakit hindi nila ako maintindihan pero ganto na talaga ako sarado nako sa pakikipag-kaibigan, iba kasi yung pagkakahulugan ko sa salitang kaibigan ee. Para sakin kasi di ibig sabihin na nagtawanan tayo at nagkwentuhan ee Friends na tayo. Hindi naman ako ganun kasuplado para di makipag-usap kapag kinausap ako, pero ako kasi yung klase ng tao na di unang nanamansin, hindi dahil choosy ako kundi ayaw ko kasing nasasabihan na Feeling Close ako. If you won’t say hi to me I don’t care kasi you’re not important to me naman ee. In case na nagkasalubong tayo sa hallway di ako magtatampo or magiging bitter kapag di mo ako binate kasi for me those people I consider them as Nothing. Andyan ka man o wala patuloy pa rin yung takbo ng buhay ko. Patuloy pa rin yung agos nito.
                Salamat sa mga taong kino-consider ako na kaibigan kahit para sakin ee di ko sila kaibigan maraming salamat on the other way Sorry kasi di ko kayang suklian yun. Siguro kung nakilala mo ako nung high school siguro sasabihin mo na Fake tong nararamdaman ko. Kasi nakilala ako nung high school na Friendly in fact I’ve been elected as Student Council President kasi kilala ako sa buong campus not because matalino ako, or dahil gwapo ako, nanalo ako kasi kilala ako ng mga schoolmate ko…well, siguro they think na masipag ako, mabait ako…well di naman sa pagmamayabang pero Oo ganun din naman yung tingin ko sa sarili ko noon. Pero nung pumasok ako sa PUP lahat ng to ee nagbago, lahat ng to naging kabaliktaran, lahat ng to naglaho , nawala sa sistema ko. Di ko na masyadong idedetalye kung ano ba talagang nangyari nung 1st year ko sa college pero ito yung dahilan kung bakit di ako nagtitiwala basta basta sa mga taong kakakilala ko lang. Well alam ko yung iba iniisip kung bakit marami naman akong kaibigan ngayon dahil yank ay Quennie, Sabh at kay Sheen Mae we are friends since high school. Kaya nung pagbalik ko sa PUP ipinakilala nila ako sa mga kaibigan nila at itunuring na di iba. Lalo na’t kakasimula pa lang ng re-shuffle nun kaya dahil sa kanila di ako nahirapan na makapag-adjust sa pagbabalik ko sa PUP. Pero  ngayon bumabalik ulit yung gantong pagkakataon may mga taong gusto nila na ituring ko silang kaibigan ko. Ituring ko silang di iba. Ituring ko silang pamilya. Pero kasi di pwede…di pwedeng ganun… kontento ako kung sino na mga kaibigan ko. Kontento nako sa mga meron ako…kaya di pwedeng ganun…di nila pwedeng pamilya turing ko sayo kaya sana ganun rin yung ituring mo sakin. Pero di naman nangangahulugan na di ko itinuturing na kaibigan ee masama na pakikitungo ko sa kanila at di yun isang kaplastikan meron lang sigurong boundaries merong limitations yung kaya kung ioffer sa kanila. Kaya ko naman makipag-usap at makipag-tawanan ng walang attachment sa isa’t isa after ng conversion natin your still nothing pero it doesn’t mean na pinaplastik it’s just that I am not open to be your friend. Yun lang yun. I can work with you pero pure work if you will give a joke sasakay ako, tatawa ako pero hanggang dun lang yun.
                Alam ko habang binabasa nyo maraming tumatakbo sa isipan nyo andyan yung napaka.taas naman ng tingin ng taong to sa sarili nya, andyan yung napakataas ng pride ko, may standard ako sa pakikipag-kaibigan. Alam ko sasabihin nyo rin na di ako uunlad sa ganitong pag-uugali. Sinusubukan kong baguhin to pero wala talaga meron talagang nagtutulak sakin na wag masyadong magtiwala sa ibang tao…fresh pa kasi sakin yung mga nangyari noon takot ako na masaktan ulit. Takot ako na magtiwala ulit and at the end of the day lolokohin lang ako. Takot ako mawalan ng kaibigan. Kung pwede nga lang lahat ng taong makakasalamuha ko ee ipapabasa ko muna to ee. Pero di pwede yun alam ko kailangan  natin makisama sa mga taong nakapaligid satin dir in naman pwedeng sila lagi ang mag-aadjust para lang sayo. Alam ko yun di ko naman sinasabi sainyo na pagsilbihan nyo ko, kausapin nyo ko lagi ee wala naman akong pakialam kung kausapin nyo ako o hindi ee as long kasama ko mga kaibigan ko ee Masaya na ko nun, kontento nako nun, kahit nga isang buong araw na magtitigan tayo ee kaya ko ee. Kasi para sakin wala ka lang.

No comments:

Post a Comment