GUSTO KO UMIYAK...
GUSTO KO MAGWALA...
GUSTO KO MAGLASLAS...
Hindi ko alam kung anong dapat maging reaction ko pero di ko maiwasan na di malungkot. Alam mo yung pakiramdam na tinangal ka sa puwesto hindi dahil sa tapos na yung term mo ee, natanggal ka kasi tinggin sayo ng mga kagrupo mo isa kang burden sa group nio. Oo, aminado ako na may mga pagkakamali ako pero di naman ibig sabihin nun na tarantadong leader nako.
Alam ko masama magbilang ng kung ano na ang nagawa mo para sa grupo. Pero kung titignan nating maiigi Oo magaling ka sa programming pero mas marami na akong nagawa kumpara sayo.
Kung tatanungin nyo ko kung paano ko sila naging kagrupo well isa lang naman ang dahilan dyan ee, si Quennie sya lang naman yung inisip ko kaya ako sumama sa grupong to, nag-iisang grupo na nag-ooffer ng dalawang slot well mas gugustuhin ko naman na magkasama kami ng kaibigan ko kesa naman na makisama sa isang grupo na wala ka ni.isang kaibigan. Kung tatanungin nyo ulit ako kung nagsisi ba ako na sumama ako sa grupong to ang sagot ko HINDI. Hindi kasi alam ko sa sarili ko na kaya sana ng grupo na to magtagumpay kung di lang bawat galaw mo ee isang masamang bagay para sakanila. Ito lang naman yung tanong ko ee nung kayo gumagawa ng mga bagay na di naming kinakatuwa. Naquestion ba namin kayo? Tulad nga ng sinabi ko kay Robert lahat tayo may karapatan maging Masaya habang gumawa ng system. Para sakin di ko maituturing na kasiyahan yung tawanan with your groupmates, iba yung kasiyahan na tinutukoy ko, well, di kasi ako plastik kaya ganto ako di ako marunong makisama/makibagay sa mga taong di ko tlaga kino-consider as my friend. Di ko alam kung kelan nagsimula to pero as far as I know takot ako makipag-kaibigan kasi maraming beses nakong natraydor ng mga kaibigan ko. Kaya ganto na lang siguro yung kapihikan ko sa mga kaibigan kontento nako sa isang kaibigan sa isang section mabubuhay nako nun.
Kanina habang kaharap si Sir Tim medyo okay pako kahit papano ee, nung naiwan ako ni Queh sa bus dun lang nag-sink in ang lahat. Yung time lang na yun naisip lahat ng mga bagay na tumatakbo sa isipan ko ngayon. Alam ko nabastos ko si sir especially nung time na sinabi kong “I WILL NOT SAY SORRY TO HIM BECAUSE HE DESERVED WHAT I”VE DONE” grabe nung sinabi ko yun nakita ko sa reaksyon ni sir na gusto na nya akong saktan sa tigas ng ulo ko. Ganto kasi yung reason ko ee I will not say sorry kung alam ko deep inside my grudges pa din. May bitterness pa din. Di ako plastik at ayaw ko magpakitang tao kay sir na sa harap nia ok kami pero di naman talaga di ba niloko ko lang sarili ko at pati na rin si sir at yung mga kagrupo ko.
Nahihirapan din naman ako sa sitwasyon namin, especially nung nagsalita si Michael na you will notice on his voice that he almost burst into tears. Promise it kills me inside that time gusto ko magwalk-out at umiyak kay ate Maru pero nanindigan ako para sa grupo ko kung ako nahihirapan paano pa sila na everytime na nagkakabanggaan kami ng loko na yun ee nahihirapan sila, lagi na lang kami nagkakabanggaan yung mga kagrupo namin yung nahihirapan imbes na umusad kami wala away lagi.. Alam ko mahirap magpakababa pero tulad nga ng sinasabi ng karamihan walang masama kung ibaba mo minsan yung pride mo. Pero kasi hindi nila alam na sarili ko na lang kakampi ko, hindi nila alam yung tunay na pinagdadaanan ko, kaya hindi ako pumapayag na tinatapakan lang ako. Selfish na kung selfish pero this is the only way kaya ako nakakaharap sa maraming tao. Hindi ako pumapayag na bastusin ng kung sino man, kaya kahit maraming nagagalit sakin kasi napaka.sensitive ko sa mga comments sakin ng ibang tao. Ee yun na lang meron ako, DANGAL at RESPETO SA SARILI KO korni na kung korni pero kasi ito yung totoo wala akong ibang kakampi kundi sarili ko lang.
Kaya ngayon humihingi ako ng SORRY sa mga kagrupo ko na nadadamay sa gulo namin pero hinding hindi ako magsosorry sa kanya. IT’S A BIG NO. Isipin nyo na kung ano gusto nyong isipin pero ito ako at wala na kayong magagawa pa.
At ngayon sana maging kontento ka na dahil nakuha mo na yung gusto mo pero mark this words "EXPECT THE WORST FROM ME" ibang ANGELO yung makikita nyo.
No comments:
Post a Comment