Thursday, January 26, 2012

Start of a New Beginning


Minsan ang buhay talagang nakakalito, siguro hindi lang minsan kundi most of the time, mahirap ipaliwanag ang di mo maintindihang nararamdaman sa kaibuturan ng iyong puso, subalit kung iniisip mo na tama ito pero at the back of your mind, naguguluhan ka lang..

tulad ng isang pag-ibig.. siguro lahat naman nakakaranas kung pano main-love, diba?

Isang araw dumating sa buhay mo ang taong iyon, sa hindi inaasahang pagkakataon o kaya sa di inaasahang lugar, tapos nagkatinginan kayo, at biglang nagkaroon ng spark, masasabi mo ba na sya na?

then, almost everyday magkasama kayo dahil feeling mo namimiss mo yong tao, feeling mo gusto mo na sya, pero at the end malalaman mo na naguguluhan ka lang pala, hindi ka sure sa mga ngyayari, naghahanap ka lang pala ng atensyon.

***********************************

sadya nga bang kay lupit ng tadhana, buhay natin ay pinag-lalaruan, pati puso natin kaya nyang saktan. Kung may pagkakataon man maituwid ang pagkakamali iyon ay huli na.

Sinaktan na natin ang taong kahit papano'y minahal din natin ng totoo, gayun nga lang sa mga oras na yon isip natin ay nalilito.

Minsan iniisip ko na lang ng matulog sa buong araw, manood ng tv yong tipong wala kang iisipin kundi kumain matulog at tumawa, pero malabo atang mangyari yon.

Ang hirap mag decide, hindi mo alam kung mapapahamak ka sa decision mo o ikakabuti sya, katulad ngayon iiwasan ko na sya, as in totally stop communicating na. kahit mahirap gagawin ko na kalimutan sya kahit nasa iisang college lang kami, kahit na nagkakasalubong kami sa corridor, sa IT area, C.R., sa Canteen at sa kung saan-saan pang parte ng university namin.

Naiiyak ako dahil mamimiss ko yong mga tawa namin, yong tipong nag-uusap kami tungkol sa kung anu anong bagay na minsan non-sense na, minsan naman tungkol sa  hirap ng buhay, problema, alam mo yong may matatakbuhan ka pagdating sa mga bagay na iyon.

Naiiyak ako dahil hindi ko alam pano mag-umpisa ng panibagong buhay na wala sya, Oo di lang naman sya yung taong nagpapasaya sakin andyan pa naman yung mga kaibigan ko pero iba pa rin kasi yung tuwa kapag sya yung kasama ko. yung tipong non-stop walang kapaguran, naalala ko nga nilakad namin from Sta.Mesa upto SM North grabe yung saya ko nung araw na yun maraming magagandang pangyayari sa araw na yun kung pwede nga lang na maglakad kami ng maglakad kahit saan kami mapadpad ee ayos lang basta magkasama lang kami. Nung pagkauwi ko sa unit ng kuya ko doon ko lang naramdaman yung sakit ng paa ko pero tulad ng dati napakarami nyang tips para mawala yung' sakit [di ko maalala what exactly he said pero effective yun ee]

Naiiyak ako dahil pano pag magkaproblema ako sino yong tatakbuhan ko, yong tipong isang text lang anjan na sya. Sabi nga ng iba kung kaibigan ee swerte ako dahil andyan sya sa tabi ko. Naalala ko one time ng may sakit ako ee dinalhan nya pa ako ng jacket sa room para di daw ako lamigin and after nun binilihan nya pa ako ng gamot ee unfortunately wala syang nahanap ng bilihan ng gamot sa loob ng school ee dahil sa may sakit din sya that time ee di na sya nakalabas ng school so ang ginawa nya ee sinamahan na lang nya ko sa clinic and from there I've realized kung gaano nya ko kamahal.

Pero lahat ng to' ee binalewala ko sinayang ko lahat ng pagkakataon na may isang taong handang mag-take ng risk mapatunayan lang na mahal nya ko. Until now di ko tlaga maintindihan kung paano nya ko nagustuhan.? I mean lagi nya kasi akong sinasabihan na maraming panget na ugali kong dapat baguhin. Naghihinayang ako sa panahon na sinayang ko, kasi nung magkasama pa kami puros deny lang yung ginagawa ko and mas worst pa ee lagi ko pa syang sinasaktan "physically" and "mentally". Ngayon dumating na yung time na nagsawa na sya sakin at tuluyan na nya ko iniwan. Oo nakikita ko syang nahihirapan everytime na nilalandi ko sya, nakikita ko na mahal pa din nya ko pero kailangan nya ko bigyan ng lesson. And napagtanto ko din na tama sila may halaga din naman sya at yun dapat yung una kong ginawa sakanya pinahalagahan ko sana sya. edi sana until now masaya pa din kaming dalawa. Hindi ko rin kasi alam pero mahal ko sya Oo aminado ako dun pero everytime na magkasama kami di mawala sa isip ko na mali yung ginagawa namin.


Sana sa decision ko na tuluyan ng wakasan yung Relationship namin ee this time sana maging masaya na kami pareho. And sana dumating din yung time na kapag nakapag-move-on na kami pareho ee. Babalik ulit kami sa dati yung FRIENDS lang as in PURE FRIENDS pwede pa naman siguro yun. Sana next semester ee ganun na kami.

Pero alam ko isa itong kagustuhan ng Diyos, alam nya ang buhay ko, di naman nya siguro akong hayaang magdecision kung di ko kaya.

Hanggang sa muli..

I do and will miss you 

No comments:

Post a Comment