Monday, December 19, 2011

While listening in the homily last morning I almost burst into tears.

While listening in the homily last morning I almost burst into tears. Many things came into a realization, many things I didn’t think that will hurt me most.
Madalas kapag may mga masasamang nangyayari sakin I always look for someone to blame, siguro this is my way to escape sa mga pressures at stress na nararanasan ko. At kanina habang nasa simbahan ako at nakikinig sa sermon ni father, di ko maiwasan na maalala ang mga bagay na nagawan ko ng mali. yung mga pagkakataon na nagagalit ako sa mga taong nakapaligid sa akin kahit wala naman silang kasalanan, mga taong lumayo sakin dahil sa mga ka,immaturan ko, mga taong di kinaya ng pasensya nila ang mga pananaw ko sa buhay. Dumating rin sa punto na tinanong ko ang Diyos kung bakit patuloy niya pa din ako sinusubok sa aking pananampalataya. Oo di ako ganun karelihiyoso pero alam ko naman sa sarili ko na naisasabuhay at naisasapuso ko lahat ng aral ng Panginoon di ko rin kasi talaga lubos maintindihan kung bakit kailangan ng tao dumaan sa mga maraming pagsubok, Hindi pa ba tama ang isa o dalawa na pagsubok upang matutunan ang daloy ng buhay?

No comments:

Post a Comment